Nasaksihan ng aming grupo kung paano sumalakay at manglingkis ang sawa… naramdaman din namin ang hirap at pighati na nararanasan ng mga tao sa tuwing may nagiging biktima ang sawa…naging katuwang kami sa pagsusuri at pagpaplano kung paano gugupuin ang sawa… higit sa lahat, kami ay bahagi na ng kapalaran o ng kasaysayan upang wakasan ang pananalakay, pang-aapi at pagsasamantala ng sawa.