Itinatampok ng papel ang pagbibigay-diin sa mga tensyon sa pagitan ng pormal at impormal na pamumuno sa komunidad, at kung paanong ang kolektibong proseso ng pagninilay, pagpaplano, at mobilisasyon ay maaaring magsilbing landas sa pagkakabuo ng panibagong antas ng pakikibaka. Mula rito, ipinapakita ng papel na ang pagpapaunlad ng pamayanan ay hindi hiwalay sa pagsasabuhay ng katutubong kaalaman, kasaysayan ng paninindigan, at mulat na pagkilos laban sa mga mapang-abusong istruktura ng kapangyarihan. Sa kabuuan, ang papel integrasyon na ito ay sumasalamin sa pagbabalik ng katutubong identidad sa sentro ng gawaing panlipunan, at nagpapamalas ng paninindigan na ang tunay na
kaunlaran ay yaong mula sa, para sa, at isinasabuhay ng, mamamayan.