cswcdaklatan.upd@up.edu.ph

CSWCD Aklatan

No Image Available

PHI at Self-Determined Development: Isang Panimulang Pag-aaral sa Antas ng Kasiyahan at Batayan ng Kaunlaran ng mga Ayta sa Iram Resettlement Area, Zambales

 Author: Noces, Marvin Andales  Category: Field Instruction Program  Accession Number: FIP238  Pages: 122  Language: Filipino  Box Number: e-copy More Details
 Description:

Sa matagal na panahon, umiral ang paniniwalang hadlang sa kaunlaran ang mga katutubong kaugalian at paniniwala kasabay ng paglalarawan sa mga katutubo bilang mga barbaro na dapat maging sibilisado (Corpuz, 2010). Napilitan ang mga katutubo na makipagsabayan sa proseso ng modemisasyon kasabay nang unti-unting pagkalusaw ng kanilang kultura. Sa Pilipinas, isa ang
mgakatutubong Ayta samga nakararanas nang unti-unting pagkawala ng kanilang kultura lalo na nang malipat sila sa Iram Resettlement Area matapos ang pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Kalakip ng paglipat nila ng tahanan ang pag-asang magsimula ng panibagong buhay at bumangon mula sa kahirapan. Ngunit tila mailap ang pag-unlad para sa mga katutubo. Madalas na naisasantabi ng mga instrumentong panukat ng kaunlaran ang kanilang tunay na kalagayan. Bigo ang estado na maunawaan ang katutubong konsepto ng kaunlaran. Sa pamamagitan ng Philippine Happiness Index (PHI) at pagsisiyasat sa pagpapakahulugan ng kaunlaran ay humalaw ang grupo ng altematibong batayan ng kaunlaran ng mga katutubong Ayta.

Lumalabas na dapat masaklaw ng mga programang pangkaunlaran ang mga sumusunod:

1) pangangalaga ng pamilya

2) paghahatid ng mga batayang serbisyong panlipunan;

3) nakabubuhay na trabaho at kita;

4) kasiguruhan sa pagkain;

5) katutubong pagkontrol sa lupa at suporta sa agrikultura na siyang saligan ng patuloy nilang pamumuhay; at

6) pagsusulong ng kanilang karapatan at sariling pagpapasya sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapaunlad ng katutubong paraan ng pamamahala, pangangalaga at paggalang sa kanilang mga paniniwala, pananaw, kaugalian at aspetong espiritwal.

 Back to Catalog

Archives