College of Social Work and Community Development Library
Report 12: Ang STFAP bilang Demokratiko at Epektibong Programang Pinansyal para sa mga Estudyante ng UP Diliman: Isang Pag-aaral
Ang papel na ito ay isang evaluative at descriptive na pananaliksik. Nilalayon nitong tasahin ang STFAP bilang isang programang nag-dedemokratisa ng pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas at naglalayon ding kunin ang persepsyon ng mga estudyanteng nakikinabang dito hinggil sa performance nito.
Bukod sa persepsyon ng mga estudyante, ginamit din ang mga datos na nasusulat na kaugnay sa gagawing pag-aaral. Nagsagawa rin ng mga panayam sa mga susing personnel at opisinang may kinalaman sa mga gawaing pang-akademiko gaya ng Office of the Vice-Chancellor for Academic Affairs, Office of the Student Regent, mga estudyante at iba pa na makapagpapatibay sa ginawang pagsusuri. Ang resulta ng pananaliksik ay ibinatay sa persepsyon ng estudyante, mga datos at pakikipanayam ukol sa pagtugon ng STFAP sa mga pangangailangan ng lskolar ng Bayan.