Ang semestre na ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng mga mag-aaral sa field sa Barangay Banaba, San Mateo, Rizal. Ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Buklod Tao, Incorporated; isang people’s organization sa nasabing komunidad. Ang mga nasabing gawain ay lalong nakapagpalalim ng pagkakakilanlan ng mga estudyante sa lider at mga miyembro ng organisasyon, sa mga residente ng Barangay Banaba at pati na rin sa kanilang kapwa estudyante.