College of Social Work and Community Development Library
Ang programang Early Child Care and Development ay inilunsad sa pangunguna ni Gobernador Roberto Pagdanganan at patuloy na sinusuportahan ni Gob. Josefina dela Cruz. Ang programang ito ay naglalayong tumugon sa pangunahing pangangailangan ng mga bata sa murang edad. Kabilang sa mga serbisyong napapaloob dito ay ang Maagang Edukasyong Pambata, Kalusugan at Nutrisyon. Ang ECCD system ng Bulacan ay mnagsisilbing modelo para sa isang pambansang sistema ng pangangalaga sa mga bata. Ang programang ECCD ay hindi magiging ganap na programang tutugon sa mga pamayanan ng Bulacan kung ito ay hindi pagtutulong-tulungan ng mga institusyon at ahensya may kinlaman sa usapin ito.