Ang “integrated paper” na ito ay halaw sa isang semestreng (unang semestre,, 1991-1992) pakikilahok ng limang mag-aaral ng Kolehiyo ng Panlipunang Gawa at Pagpapaunlad ng Pamayanan sa gawaing pag-oorganisa ng mga kooperatiba. Ang mga mag-aar·al ay sina Jose Salvador Beltran. Ferdinand Deriquito, Felix Lapuz, Ernesto Rasco at Connie Tuazon. Sila ay nakikilahok bilang mga “student volunteers” ng yunit sa Laguna ng Cooperative Foundation of the Philippines, Inc. (CFPI). Ito ay bilang bahagi ng kanilang mga “field work” sa kursong Pagpapaunlad ng Pamayanan. Ang mga sabdyeks sa naturang semestre ay Community Development 123, 133, 161 at 100. Ang naging “field supervisor” ng mga mag-aaral sa CFPI ay si Oskee Ferrer.