Maralitang Kababaihang Manininda sa Lansangan ng Philcoa: Pagsusuri sa epekto ng coping mechanism sa Pagpapalaki ng anak ng ina sa kanyang kita at kalusugan
Ang pag-aaral sa kababaihan sa di-pormal na sektor ay hindi nadodokumento nang wasto at hindi rin nasasaliksik. Subalit may katibayang ang pangkat ng kababaihan lalo na ang kababaihang walang wastong edukayonal na kwalipikasyon, kababaihang may mga anak, at kababaihang ang napangasawa’y mga lalaking nabibilang sa hanay ng may pinakamababang kinikita ay katunayang nakapaloob sa di-pormal na sektor.
Gumagalaw ang mga babae sa impormal na sektor sapagkat ito ang sa tingin nila’y tanging paraan upang mabuhay. Pumapasok sila sa mga pantawid-buhay na produksiyon na nangangailangan ng kakayahang may kaugnayan sa mga gawaing-bahay, lalo na iyong mga gawaing napagsasama ang trabaho at ang pag-aalaga ng bata.