College of Social Work and Community Development Library
Ang minasa na ito ay nagpalit ng kahulugan. Ang dating pagkain lamang na nagpapakita sa paghihiwalay ng mahirap sa mayaman, sa may kapangyarihan at sa wala; ngayon ay isang simbolo ng kung ano ang kayang gawin ng pagsasama sama ng mga sangkap upang makabuo ng isang tinapay na magbibigay sa Bustos ng paghanga mula sa mga nakatira sa labas. Ito po ang
nais naming ipakita sa paglikha ng papel na ito: ang mga karanasan ng bawat sangkap at salik ng paggawa ng tagumpay sa mapanlahok na pamumuno. Pinagtutuunan ng pansin ng papel na ito ang mga sangkap o ang mga taong kung sa normal na pagtingin ay hindi agad mapapansin.