Ang Departamento ng Pagpapaunlad ng Komunidad sa Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Komunidad sa Unibersidad ng Pilipinas ay naglalayong pagkaisahin ang lahat ng sektor ng lipunan, kabilang ang sektor ng kababaihan, upang lubusang makamtan ang tunay na kaunlaran, kung kaya’t nakikipag-ugnayan ito sa iba’t ibang ahensiya at organisasyon sa iba’t ibang komunidad. Isa sa mga Ahensiyang ito ay ang Arugaan ng Kalakasan na tumutugon sa isyu ng Karahasan Laban sa Kababaihan.