College of Social Work and Community Development Library
Ang Purok Anakpawis ay kabilang sa mga mala-kabuteng komunidad ng maralitang taga-lungsod na umusbong sa mahabang pampang ng Manggahan Floodway. Ito ay nasasakop ng Barangay San Andres sa bayan ng Cainta sa Rizal. Napapalibutan ng purok ng Planters sa timog, ng purok ng Lakasbisig sa hilaga, ng Greenwoods Executive Village sa kanluran at ng floodway sa silangan.