College of Social Work and Community Development Library
Ang pananaliksik na ito ay isang pagpapalalim ng konsepto ng pangangalaga at pamamahala sa pagkain ng mga maralitang tagalungsod ayon sa pananaw ng tatlong ina ng tahanan sa Phase 2, Southville 8-B, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Uunawain sa pananaliksik na ito ang mga pamamaraan at kakayahan ng mga ina, at kanilang pamilya, sa pag-access sa available na pagkaing sapat at kalidad.