College of Social Work and Community Development Library
Mahirap ilarawan ang tunay na kalagayan ng sektor ng kababaihan, dahil ang isyung kalakip nito ay sakop ang kanilang personal na buhay. Nakaugat rin ang sitwasyon ngayon ng mga kababaihan sa kulturang nagbibigay patakaran sa ating lipunan. Libong taon ng patriyarkiya ang humubog sa ating kultura at siyang dahilan kung bakit maraming babae ang nagdurusa magpahanggang ngayon. Tulad ng mga kinakaharap ng mga kababaihan sa ngayon, ang gawaing pag-oorganisa ay hindi rin ganoon kadali. Ang sektor na dapat tutukan ay may mga limitasyon bunga ng kulturang kinapapalooban natin. Ang pagbasag sa kultura ng katahimikan na siyang isa sa mga pangunahing layunin sa gawaing pag-oorganisa ay hindi isang simpleng gawain. Ito ay isang mahabang proseso at susi upang maging mulat ang mga kababaihan sa tunay nilang karapatan at puwang sa lipunan.