College of Social Work and Community Development Library

CSWCD Aklatan

No Image Available

Pagpilas, Pagtagpas at Paglamukos: Paghahanda ng mga Sangkap ng Team Daraitan tungo sa Pagpapalakas ng SAKADURE

 Author: Cuntapay, Csherilyn F.  Category: Field Instruction Program  Accession Number: FIP201  Pages: 164  Language: Filipino  Box Number: e-copy More Details
 Description:

Sa muling pakikipagtuwangan ng FIP sa sektor ng mga katutubo, tumutok ito sa mga kabataang Dumagat-Remontado ng Daraitan, Tanay, Rizal, partikular sa organisasyong Samahan ng Kabataang Dumagat-Remontado. Nilalayon na mapatampok ang sariling hangarin ng SAKADURE upang mapalakas ang pagkilala ng mga miyembro sa awtonomiya at pagkakakilanlan ng kanilang organisasyon. Sa pagkamit ng naturang tunguhin, naging gabay ang iba’t ibang estratehiya tulad ng organizational diagnosis, organizational development, at gawaing pag-oorganisa. Sa kabuuan ng prosesong ito, naging sentro ang pagsasagawa ng groundwork upang higit na mapatampok ang kanilang karanasan.

Sa kasagsagan ng pakikipamuhay at pagbabahay-bahay, napatampok ang istorya ng SAKADURE. Higit na lumitaw dito ang perspektibong nahihirapan silang makita ang resulta at epekto ng mga aktibidad na isinasagawa nila katuwang ang mga panlabas na organisasyong pumapasok sa pamayanan. Mula rito ay napagdesisyonan na sama-samang suriin ang kanilang kasaysayan mula taong 2019, mga hakbang para sa pagpapabuti ng samahan, at mga pangarap ng samahan. Upang higit na mapagtibay ang pagsusuri, inusisa rin ang halaga ng ugnayan sa loob ng samahan at mga gampanin ng kasapian bilang tuntungan ng pagyabong ng SAKADURE.

Naging bahagi din ng tuwangan ang pag-alalay sa mga miyembro na matukoy ang mga agaran o kagyat at pangmatagalang layunin ng SAKADURE. Inaasahan na ang mga layuning ito ay magsisilbing gabay sa pagbalangkas at pagtanggap ng mga proyektong makapagpapalakas ng kanilang gampanin at relasyon sa loob at labas ng samahan. Ang lahat ng ito ay tungo sa pag-abot ng kanilang kolektibong bisyon na patuloy na isabuhay at isulong ang kultura ng mga katutubong Dumagat-Remontado.


 Back to Catalog