Nagpatuloy ang pangkat PIGLAS-LAKAS sa PA YATAS bitbit ang kahandaan sa pagtulong sa pagpapatatag ng samahan ng Pathways Payatas Livelihood Group (PPLG) at ang pananabik na makakalap ng kaalaman at karanasan sa paglubog sa komunidad ng Payatas. Muling nakipagniig ang pangkat sa kalagayan ng komunidad at sumubok na makisangkot sa pagkilos ng mamamayan sa hinahangad nitong pagbabago.