College of Social Work and Community Development Library
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ilarawan ang mga aktibidades tungkol sa pagpapalipas ng malayang oras ng mga kabataang maralita na naninirahan sa Pook Dagohoy Barangay U.P. Campus, Distrito IV, lunsod Quezon. Tinitiyak ng pag-aaral na ito na siyasatin ang mga uri ng pagpapalipas ng malayang oras na kinasasangkutan ng mga kabataang ito ang panahon at salaping inilaan nila sa paglilibang; ang kanilang malayang oras; ang mga may impluwensiya sa kanilang paglahok sa nasabing mga aktibidades, kung bakit iyon ang kanilang pangunahing pangangailangan at ang kanilang ninanais hinggil sa lalong mahusay na paggugol ng malayang oras.