College of Social Work and Community Development Library
Isa pang mahalagang prinsipyo sa CSWCD ay ang pagbabalik ng mga natutunan sa mga naging bahagi ng pakikipag-aralan. Ito ay pagkilala sa kahalagahan ng oras, kwento at kahilingan ng mga nakausap na maibalik sa kanila ang aming natutunan.
Sa mga susunod na pahina ay ang mga “reflection papers” ng mga kasapi ng
klaseng SD 313. Nilalaman nito ang natutunan nila sa mga kwento ng mamamayan, ang pagpuna sa kakulangan ng impormasyon, konsultasyon at pagpapahalaga sa mamamayang maapektuhan, ang papel ng kababaihan at ng Simbahan sa pagharap sa ganitong problema at sa kabuuan ay ang pagkilala na ang tunay na kaunlaran ay matatamasa lamang kung nasa sentro nito ay ang interes ng mahihirap.