College of Social Work and Community Development Library
Pagkakaisa ng mga Kababaihan tungo sa Kalayaan (Kaisa Ka – Pook Area 17)
Ang aming FIP team ay naisassign sa Kaisa Ka – Area 17, isang organisasyon ng mga kababaihan sa Barangay UP Village na itinatag upang tugunan ang isyung pang-ekonomiya noong panahon ng pandemiya. Sila ay unang organisa bilang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4P’s at nagsimula sa pagtatag ng community garden bago sila nakilala ng kanilang community organizer.