Mula sa pinagtagpi-tagping karanasan sa Anda ng aming gupo at mula sa mga kaalamang napulot sa mga simpleng pakikipagkuwentuhan sa mga tao sa komunidad, hindi maitatanggi ang katalinuhang taglay ng mga ito…katalinuhang hinulma ng mahabang panahong ginugol sa pangingisda. Dito umusbong ang pamagat na SANDATA na may kalakip na katanungang kaninong kaalaman nga ha ang tunay na sandata tungo sa pagbabago? Silang ang basehan ay ang siyentipikong kaalaman? 0 silang ang karanasan ay sinubok ng mahabang panahong paninirahan sa komunidad?