Sa isang malayong lugar… malayo pa sa kayang abutin ng isipa’t imahinasyon ng isang ordinaryong nilalang, matatagpuan ang isang kaharian ng mga diwata’t engkanto. Ang mga naturang nilalang ay hindi tulad ng pangkaraniwang mga may kakaibang kakayanan na tanging ang sariling kapakanan lamang ang iniintindi. Lubos ang kanilang paniniwala na ang tunay na kapayapaan, pagmamahal at balanse ng enerhiya ng kalikasan ay makakamit lamang kung magkakaroon ng lebel ng pagtutulungan, pagkakaintindihan at sabay na pagsisikap ang esikstensya ng mundo ng mga diwata at mundo ng mga tao.