College of Social Work and Community Development Library
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kung papaano nga ba nabubuo ang mga polisiyang ipinatutupad ng mga ahensya ng pamahalaan na direktang nakakaapekto sa buhay at kabuhayan ng mga manininda. Nais ng pag-aaral na ito na mabigyang buhay at mapalutang ang samu’t saring mga elemento na nagtatahi sa mga polisiyang ipinatutupad ng ahensyang pampamahalaan tulad Metropolitan Manila Development Authority at ng mga lokal na pamahalaan na katulad ng Quezon City.