College of Social Work and Community Development Library
Kagyat na umusbong ang ukay-ukay matapos ang ika-lawang digmaang pandaigdig. Sa panahong ito, maraming mga damit at iba pang mga gamit na naging pagmamay-ari na ng iba ang ipinadala sa bansa bilang tulong o relief sa mga nasalanta ng digmaan. Sa pagdaan ng panahon, nagpatuloy ang ebolusyon nito tungo sa isang ganap na negosyo. Hanggang sa ngayon ay patuloy ang pagdami ng tumatangkilik sa Ukay-ukay. Patuloy ang pananatili at pag-usbong ng panibagong mga pamilihan nito sa iba’t-ibang dako ng bansa. Ito ang naghatid sa may-akda na kilalanin at suungin ang mundo ng ukay-ukay.
Naipakita sa pag-aaral ang kasalukuyang kalagayan ng Ukay-ukay hindi lamang bilang negosyo kundi pati na rin bilang bahagi ng kabuuang sosyo-ekonomikong pamumuhay ng komunidad, kabilang ang mga manininda at mamimili partikular sa pamilihan ng Bambang sa Sta.
Cruz, lungsod ng Maynila.