cswcdaklatan.upd@up.edu.ph

CSWCD Aklatan

UNOS! Isang paglalagom ng karanasan sa pamayanan – Daraga, Albay

UNOS! Isang paglalagom ng karanasan sa pamayanan – Daraga, Albay

 Author: Balucas, Daisy  Category: Field Instruction Program  Accession Number: FIP254  Pages: 47  Language: Filipino  Box Number: e-copy More Details
 Description:

Ang papel na ito ang bunga ng siyam na linggong pakikipamuhay at pakikipag-aralan sa mga barangay ng Alcala at Matnog. Ito rin ay magsisilbing isang paglalagom ng mga karanasan ng mga estudyante at ng mga taong kanilang nakasama . Sisikapin ng papel na ito na mailarawan ang kalagayan ng pamayanan, ang mga suliraning kinakaharap ng mga tao, at ang nagtulak sa pagtatayo ng isang programang pangkalusugan. Magmula di to ay aming tutukuyin ang mga taktika at estratehiya sa mobilisasyon para sa gawaing pangkalusugan (CD 123, 182 at 199.1 & 2). Nais din ng papel na ito na masuri ang kahandaan ng mga CHWs (Community Health Workers) na mamahala ng kanilang sariling programa (CD 115), kasabay nito ay makita ang narating ng isang “relief and rehabilitation” na institusyon sa muling pagpapalakas ng kapangyarihan ng tao na makpag-sarili at umunlad (CD 161). Kabilang pa rin dito ang nabuong borador sa “C.O. in Health” upang ipakita ang potensiyal ng gawaing pangkalusugan sa pag-oorganisa ng pamayanan (CD 180 at 181). Dagdag pa dito ay ilang simpleng paghahanda at pag-gawa ng halamang gamot. Ang huling bahagi ay talakayan ng mga karanasan ng mga estudyante kasama ang ahensiya (CHD at TABI – Tabang para sa mga Biktima sa Bikol) at mga TAO .

 Back to Catalog

Archives